Bantayog ni Jose Rizal
(Daet, Camarines Norte)
Kahit hindi man narating ni Rizal ang Daet, Camarines Norte, alam niyo ba na dito makikita ang kaunaunahang monumento nya. Ang disenyo nito ay gawa ni Antonio Sanz, isang Lieutenant Coronel ng revolutionary governme
nt sa Bicol. Kung titingnan, tila napakasimple ng disenyo ng bantayog na ito, pero ang bawat simbolo na nakalagay ay may kahulugan at ang mga bato na ginamit sa pagpapatayo dito ay galing sa isang lumang kulungan noong panahon ng Kastila kung saan nalagyan ng dugo ng mga Katipunero na pinaslang at pinahirapan. Obelisk ang design at may simbolo ng araw at mga bituin gaya ng nasa watawat ng Pilipinas. Nakasulat rin sa gilid nito ang mga sikat na akda ni Dr. Rizal, tulad ng Noli Me Tangere, El Filibusterismo at ang Morga. Mayroon din itong Spanish dedicatory phrase na A’Rizal na ang kahulugan ay para kay Rizal.
1961 lamang nang pormal na ideklara ito bilang kauna-unahang monumento na itinayo para kay Dr. Jose Rizal ng National Historical Committee.
“1986 ng barilin si Jose Rizal sa Bagumbayan o mas kilala ngayong Luneta, dalawang taon pagkatapos ng kaniyang pagkakapaslang isang bantayog ang ipinatayo ng mga reboluyunaryo dito sa Daet, Camarines Norte bilang pagbibigay pugay sa kabayanihang ginawa ng ating Pambansang Bayani.”
December 20 1898, idineklara ng kauna-unahang Presidente ng Pilipinas sa ilalim ng revolutionary government na si General Emilio Aguinaldo ang December 30 bilang Rizal Day.
Ito ang nag-udyok sa mga Katipunero sa Camarines Norte na magtayo ng isang monumento para kay Rizal, bagama’t hindi man lamang ito nakarating sa kanilang lugar.